Ang malaking ipinagtataka ko ay bakit may nakatatak na pagmumukha ng mga pulitiko ang mga relief goods na ipinamimigay sa mga nasalanta ng pagbaha. Kinarne na po ba ang katawan niyo at kayo ang ipinalit sa sardinas sa loob ng lata? Letseng mga buwaya 'to!
epal.com |
Hubad na hubad na ang hangarin ay hindi ang tumulong, bagkus ay mangampanya, lalo pa at paparating na ang eleksiyon. Nakakairitang isipin na kahit sa pamimigay ng relief goods, ay hinihintay pang dumating ang mga pulitikong wala namang maitutulong sa kumakalam na sikumura ng ating mga kababayan. Pagkain, gamot at matutuluyan ho ang kailangan nila, hindi ang mga mukha niyo with effort sa pag edit ng wrinkles, nunal at pekas.
Sa mga nagtatanong naman diyan kung bakit sinisisi natin ang pamahalaan sa pag-ulan ng malakas, linawin po natin ang ating punto. Bakit namin sila sisisihin sa pag-ulan? That's beyond their control kapatid, bobo ba kami para sisihin sila? Siyempre hindi! Ang punto ay kung bakit hindi napaghandaan ng pamahalaan ang ganitong sakuna, huli na nang maipatampok sa taong bayan na ipinatigil ng inutil na pangulo ang 1.9 bilyon pisong flood control projects ng pamahalaan, proyektong sana'y magsasalba sa mga flood prone areas sa buong isla ng Luzon. Tingnan mo nga naman itong bobong pangulong ito oh!
Sa kabila ng delubyong kinakaharap ng ating mga kababayan, nagawa bang bitbitin ng pangulo ang buong senatorial slate niya sa pamimigay ng tulong sa ating mga kababayan, ano ba talagang pakay mo sir?
At kung hindi rin naman talaga makitid ang utak ni noynoy, saan ka nakakita ng susuong sa baha na naka black shoes? Pormahan mo kuya huh! Hindi pang nag-iisip!
Sa mga kalagayang tulad nito, hindi na sasapat pa ang pag atang ng mamamayan sa pamahalaang hindi prayoridad ang pagbibigay ng serbisyong panlipunan, wala silang ibang uunahin kun'di ang magpabango lamang ng pangalan, tandaan nating para sa kanila, ang pagpasok sa gobyerno ay hindi pagsisilbi, kundi negosyo.
No comments:
Post a Comment