1.
Ipagduldulan ang pagmumukha sa
telebisyon kahit hindi pa campaign period. Ipinamumukhang anak, pinsan o
kapatid sila ni ganito ganiyan at gusto nilang ipagpatuloy ang hindi matapos
tapos na adhikain ng kanilang pamliya. Isang magandang example nito si Bambi Apuino, JV Ejjercito, Tiningting
Cojangco, Jackie Chan Enripwe at marami pang iba.
2.
Nageendorse ng hotdog,
mantikilya, tocino o kahit na anong produkto na pwede nilang iendorse para lang
matandaan sila ng tao. Hindi mo malaman kung model o lider ba ang gusto nilang
maging. Isang magandang halimbawa nito si Chezee Escaldero at ang kaniyang
frabellie dogfood products.
3.
Namimigay ng baller. Sikat na
sikat dito si Josephine Ejercito Granada at ang mga Bwinay. Itinatatak nila ang
kanilang pangalan, pagmumukha o kahit na anong simbolo ng kanilang pagkatao sa
mga bagay na pwedeng suotin ng tao.
Mayayamang pulitiko ang nakakaafford nito.
4.
Kumekendeng sa harap ng madla o
gumagawa ng kung ano-anong gimik na sa tingin nila ay ikatutuwa ng tao. Kapag
tinanong mo sila kung ano ang simbolismo ng kanilang ginagawa, malamang ay
abutin sila ng anim na taon para magpaliwanag. Nung sinulog ay ginawa ito ni Rizza
Horsieveros!
5.
Itinatatak ang pangalan sa
CANDY. Nagtaka ako kung anong simbolismo nito o kung ano ang gusto niyang
ipahatid na mensahe sa tao nung tatakan ni Nancy Bwinay ang ipinamigay niyang
sandamakmak na candy, nangangahulugan kaya itong isusulong niya ang pagpapababa
ng presyo ng mga minatamis?
6.
May nadudulas sa stage during
proclamation rally, nangyari ‘to kay
Rizza Horsieveros nung 2010, may nadulas ulit ngayong taon sa campaign rally ng
Lipiral Party, ang tawag dito ay media gimic.
Wag
magpauto!
No comments:
Post a Comment