My Blog List

Wednesday, February 27, 2013

Fountain Pen

Sumilip  si Bogart at Mila sa labas ng tinataguan nilang madilim at masikip na silong, bubungisngis sa tuwing dadaan ang taya sa tagu-taguan at hindi sila makikita.

'Saan mo gustong mapunta, sa langit o impyerno?' bulong ni Bogart kay Mila, 'siyempre sa langit. gagu ka pala eh!'

Lumabas si Bogart sa silong nang punong puno ng dugo ang damit, ngumisi habang hawak hawak ang fountain pen na nakuha niya sa drawer ng kaniyang mama, tumingala siya sa langit at nanalangin 'Lord, sinunod ko na po ang gusto niyo, tumulong po ako sa kapwa ko ngayong araw'


Saturday, February 16, 2013

Iba't ibang paraan ng pangangampanya ng mga buwaya



1.       Ipagduldulan ang pagmumukha sa telebisyon kahit hindi pa campaign period. Ipinamumukhang anak, pinsan o kapatid sila ni ganito ganiyan at gusto nilang ipagpatuloy ang hindi matapos tapos na adhikain ng kanilang pamliya. Isang magandang example nito  si Bambi Apuino, JV Ejjercito, Tiningting Cojangco, Jackie Chan Enripwe at marami pang iba.

2.       Nageendorse ng hotdog, mantikilya, tocino o kahit na anong produkto na pwede nilang iendorse para lang matandaan sila ng tao. Hindi mo malaman kung model o lider ba ang gusto nilang maging. Isang magandang halimbawa nito si Chezee Escaldero at ang kaniyang frabellie dogfood products.

3.       Namimigay ng baller. Sikat na sikat dito si Josephine Ejercito Granada at ang mga Bwinay. Itinatatak nila ang kanilang pangalan, pagmumukha o kahit na anong simbolo ng kanilang pagkatao sa mga bagay na pwedeng suotin ng tao.  Mayayamang pulitiko ang nakakaafford nito.

4.       Kumekendeng sa harap ng madla o gumagawa ng kung ano-anong gimik na sa tingin nila ay ikatutuwa ng tao. Kapag tinanong mo sila kung ano ang simbolismo ng kanilang ginagawa, malamang ay abutin sila ng anim na taon para magpaliwanag.  Nung sinulog ay ginawa ito ni Rizza Horsieveros!

5.       Itinatatak ang pangalan sa CANDY. Nagtaka ako kung anong simbolismo nito o kung ano ang gusto niyang ipahatid na mensahe sa tao nung tatakan ni Nancy Bwinay ang ipinamigay niyang sandamakmak na candy, nangangahulugan kaya itong isusulong niya ang pagpapababa ng presyo ng mga minatamis?

6.       May nadudulas sa stage during proclamation rally, nangyari  ‘to kay Rizza Horsieveros nung 2010, may nadulas ulit ngayong taon sa campaign rally ng Lipiral Party, ang tawag dito ay media gimic.
              
  Wag magpauto! 

Friday, February 15, 2013

Paalala sa mga botante para sa darating na halalan.



Kung iboboto mo ang isang kandidato dahil sa kamag-anak siya ni ganito ganiyan, dahil tinatakan niya kaniyang pagmumukha ang candy, payong, damit at poste ng bahay niyo at dahil sa sumayaw siya ng gangnam style habang may hawak na isang sakong bigas, mag-isip isip ka na. Hindi kaya ang pagbabagong hinahanap mo ay isang ilusyong ipinapain lamang sa’yo ng mga buwayang nagpapanggap na payaso.

Habang naglalakad sa kahabaan ng Fuente, Cebu City, kapansin pansing halos hatakin ng mga kandidato ng UNA ang pagmumukha ng taong bayan upang masdan silang kumakaway sa loob ng naggagandahan nilang sasakyan, habang nagsasaboy ng candy na tinatakan ng apelyidong Binay at habang namimigay ng baller na tulad ng lahat ng kanilang dala ay may tatak ng kanilang pagmumukha o di kaya’y pangalan. Kasama rin nila ang kanilang mga magulang, kapatid, pinsan, anak, kapitbahay o asawang lahat  ay may pwesto na rin sa gobyerno, sa pamahalaan kasi nila naisip na magandang magkaroon ng family reunion. Tulad ng mga nagdaang halalan, sila sila lang din ang nakikita natin.

Hindi naman nalalayo ang kaganapan sa Plaza Miranda kung saan nagtipon ang mga kandidato ng Liberal Party, panadaliang binansagan ng ilan ang plaza bilang crocodile farm. Kasama nila si Noynoy na hindi malaman kung presidente ba ng Pilipinas o campaign manager ng kaniyang mga alyado. Monopolyado nila ang media, kung mayroon mang alagad ng media na mapapadpad sa mga makabayang kandiadato ay mabibilang lamang sa kamay. Nagsisilbing propaganda machinery ng mga higanteng partido politikal na binubuo ng mga mayayaman at haciendero ang mga naglalakihang media network sa bansa.

Di rin maitatangging gumastos ng malaki ang Liberal Party at UNA  para sa kanilang mga TV ads. Merong kandidatong isang taon palang bago mag eleksiyon ay nageendorse na ng hotdog, merong nanghihikayat na sumali sa redcross sabay flask ng napakatabang mukha sa TV, meron ding nagsasabing iboto siya dahil kamukha niya daw si Noynoy at pinsan naman siya ng presidente, kung tanungin ko kaya siya kung anong magagawa ng mukha niya kapag sinupalpal siya ni Miriam Defensor Santiago, ano kayang maisasagot niya?

Ang kasaysayan ng eleksiyon sa Pilipinas ay kasaysayan ng pag-aagawan ng mga naghaharing uri ng pwesto sa gobyerno, gagawin nila ang lahat para manalo, kesyo tumae sila ng pako o di kaya’y kumendeng kendeng sa harap ng libo-libo mamamayan, gagawin nila para lang matandaan sila ng taong bayan.

                Kung mananatili tayong nakatuon sa kanilang mga propaganda, di maglaon ay manatili sa ating isipan na sila na lamang ang kandidato sa mga posisyong nakasulat sa ating mga balota, at dahil lubog tayo sa pangakong pagbabago sa pamamagitan ng paghalal ng mga bagong lider ng bansa, wala tayong magawa kundi ihalal ang mga taong ni hindi natin alam ang tunay na karakas, mga taong walang ibang hangad kundi ang pampulitika’t ekonomiyang interes lamang.

Taktikal ang eleksiyon upang mailantad ng sambayanan ang tunay na mukha ng mga pulitikong hahawak sa pinakamatataas na posisyon sa bansa, gayndin ang sistemang pampulitikang pinaghaharian lamang ng iilan. Huwag tayong magpadala sa pangakong pagkain ni Jack Enrile, o sa mga TV ads ni Ting Ting Cojuanco kung saan halatang halata ang batak na batak niyang mukha, higit pang pagkilatis ang kailangan ng sambayanan upang malaman kung sino-sino ba ang nagpapaggap na mabait at kung sino ang tunay na makabayang kandidato na dapat nating iboto.