Unang kabanata
Ika 14 ng Abril 2012, Mataas ang sikat ng araw mula sa barkong dalawampu't apat na oras ring nakipagtalik sa aking katawan, mula sa taghiliran ng sasakyang pandagat ay ang mga maliliit na bangkang may kinakanlong na bata, nanay, tatay, ate, kuya at kung sino-sino pa, hindi sila nagtitinda ng kalamay o ng kung ano pa man, sila ang mga katutubo ng Palawan, ang islang pinagpala ng magandang tanawin ngunit tila napabayaan ang mga katutubong tunay at naunang nanirahan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Agad akong nagtext kay Lalake, "nandito na ko sa Pier", at tulad ng inaasahan, hindi siya ang susundo sakin, graduation niya pala ngayon, hindi ko man siya kilala, alam kong lubos ang ligaya niya ngayong isa na siyang ganap na inhenyero.
"huwag kang sasakay ng tricycle sa loob ng pier, mahal diyan:" babala niya, malamang! Pier nga eh, siyempre barko ang nandun!
kaunting lakad pa at nakita ko na ang kapatid niyang si Jason (hindi tunay na pangalan), agad kaming sumakay ng tricycle ilang bloke ang layo mula sa dinaungan ng barkong sinakyan ko, kakaiba ang itsura ng tricycle, may lalagyan ng maleta sa likod, halatang patok sa mga turista, pwedeng apat ang sumakay sa loob, face to face ang datingan minus the trio tagapayo, bibilang pa ng dalawampu't limang minuto (tantsa lang yan) at nasa bahay na kami nila Lalake!
Muli, gaya ng inaasahan, wala pa rin siya sa bahay, malamang graduation nga eh, nalate daw ng dating ang tagapagsalita nilang Si Jejemon Binay, ano pa nga bang aasahan natin sa masipag na bise presidenteng naniniguradong maging susunod na Pangulo?
Naninimbang pa ako kung agad akong makikitulog sa kanila, nagpaalam akong hihiga muna para makabawi sa mahaba habang biyahe, di pa man umiinit ang likod kong kadarantay lang sa banig ay nakaramdam na ako ng di literal na kati ng katawan, gusto kong maglibot libot, maganda daw dito sa Palawan lalo pa at gabi, night life babes! Night life!
Kaunting gulong lang mula sa bahay ni Lalake ay sandamakmak na ang mga bar, may TIKI bar na late ko na lang nalaman na ang ibig sabihin pala ay "titi" at "kiki", merong pang big time gaya ng "Kinabuch", at siyempre may pang small time, dito mo makikita ang pagkakahati hati ng mga tao sa lipunan, kinatatakutan ding tumaas ang kaso ng prostitusyon sa lugar dulot ng ginagawang balikatan exercises at pagtaas ng bilang ng mga turistang naglalamiyerda.
nag decide na lang akong humigop ng matapang na kape mula sa Mister Donut, dito na muna ako magpapalipas ng init ng katawan habang nagmamasid sa mga kanong feel na feel ang kakalsadahan ng Puerto Princesa, Lugar na pangarap mapuntahan ng mga kapwa ko Pilipino ngunit naunahan ng mga dayuhang higit na may salaping pambayad sa inaalok na alindog ng isla, paraisong mahirap abutin para sa mga tulad kong maralita na kung hindi pa maabunan ng suwerte ay hindi mapapadpad sa itinatagong hiyas ng bansa.

No comments:
Post a Comment