I’m wearing black t-shirt, may
nakasulat na ‘Art is a weapon of War,’
‘okay, sunduin nalang kita sa tapat ng five star terminal, yung sa Mang
Inasal,’ mabilis na kinuha ni Lorence ang kaniyang bag, hinalungkat ang nagkabuhol-buhol
nitong laman, tumalilis palabas,hinawakan nang mahigpit ang gate at paangat na
binuksan upang hindi lumangitngit,
lumingon upang tiyaking walang nakarinig sa kaniyang pag-alis.
Mula sa
malayo’y natanaw niya ang tricycle, nagkadikit ang siko’t tenga niya sa taas ng
kaniyang para upang tiyaking siya na ang makasasakay sa kakaragkarag na
sasakyan, ‘Five star po,’ sinuklay niya ng kaniyang kamay ang pinabanguhang
buhok habang naghihintay makarating ang sasakyan sa pupuntahan.
Bahagya
niyang binagalan ang lakad matapos makaakyat sa overpass, ayaw niyang
magmukhang excited, ikatlong hakbang pababa ng overpass ay may nakita siyang
lalaki, tila kinikilatis ang suot niyang t-shirt, ‘dapat discreet!’ bulong niya
sa sarili. Bahagyang tumango ang lalaki, hudyat na ito na nga ang kaniyang
hinahanap.
Hindi
na niya kailangang tanungin kung ito na nga ang kaniyang katagpuan, agad niyang
sinundan ang lalaki, napilitan siyang maglakad nang matulin higit sa
pangkaraniwan, kailangang sumabay ang kaniyang mga paa sa libido ng taong nasa
harap.
‘kumain
ka na?, ‘ang ganda ng boses niya’ bulong ni lorence, ‘hindi na siguro,
nagmamadali kasi ako,’ mabilis silang umakyat sa second floor ng bahay,
maliligo na ako,may pasok kasi ako nang alas siyete. Isa-isang tinanggal ng
lalaki ang suot nito sa kaniyang harapan at pumasok sa banyo. Alas singko
imedya na, nagpasya siyang pasukin ang
banyong pinagliliguan ng lalaki.
Mainit
ang hininga ng lalaki, malikot ang dila nitong naglalaro sa kaniyang bibig,
nililimas ang bawat salitang balak pa lamang niyang iusal. Mula sa bibig ay
dahan-dahan naglakbay ang labi ng lalaki sa kaniyang leeg, nang tangkain nitong
lagyan siya ng marka’y agad siyang napaiktad, nagpatuloy ang lalaki sa kaniyang
dibdib, pababa nang pababa, aba-ginoong maria, nakaluhod na nagdasal ang lalaki
sa altar na nakatutok ang tirik na mata
sa langit, nakaramdam ang altar ng init, sarap, para siyang naiihi na hindi
maintindihan, tulad ng himala ng mga rebultong naglalangis, kinain siya ng
parokyanong mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang lubid.
Malumanay
silang sumayaw sa awit ng panganib at kawalang katiyakan. Nahawi ang libog ng
isa’t isa, walang anu-ano’y nagbihis ang dalawa. Wala nang sumunod na tinig,
iniabot ng lalaki ang anim na pirasong papel na may tatlong ulo.
Agad na
bumalik si Lorence sa kaniyang tahanan, bumalik sa tapat ng computer, muling binuksan
ang website na may pangalang planet romeo, ‘alas otso na, kailangan ko pa ng
isa, mamaya’y dialysis nanaman ni Inay.’