Mabilis na dumilim ang ulap ngunit dahan-dahan ang patak ng ulan, parang kami, naglalaro, titigil, maglalaro ulit, kakain, lalabas, maglalaro.
Sa dating tagpuan, doon sa likod ng bagsak na puno ng mangga, malapit sa dulo ng Pineapple Street, Sta. Rosario.
Boom taya! sabi sakin ni Buknoy, ayoko talagang ako ang natataya, hindi ko kasi gusto ang maghanap, gusto ko'y ako ang nagtatago.
hindi siya siu Ikong, galing sa google 'to |
Sa maliit na butas sa gilid ng malaking kanal kadalasang nagtatago si Ikong, pero ayaw kong siya ang mataya kaya hindi ako pupunta doon, at dahil tatlo lang kami, si buknoy ang hahanapin ko ngayon, sisikaping siya ang mataya, upang hindi ako ang maghanap, at upang ako ang magtago.
Maya maya pa'y nakita ko na si buknoy, mariin ko siyang hinawakan, di ba sabi ko sa'yo ayoko ng natataya! ayoko ng naghahanap! halika dito! umiiyak siyang parang nagmamakaawa, ayaw ko na sana siyang saktan, pero kailangan, ayoko kasi ng naghahanap. tuturuan kita kung papano mag isip! mula sa ulo niyang lumabas ang saganang kaalaman, mapula, kumukulay sa tubig na inaagos ng kanal, itinabi ko ang tubo sa dating lagayan.
Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap! yeheey! wala ng taya! bumalik ako sa maliit na butas sa gilid ng kanal, ilang metro mula sa lugar kung saan ko tinuruang mag-isip si Buknoy. Ikong, ikong! wala ng taya! Hindi na ko taya, tara
Hubad ka na ulit!