My Blog List

Wednesday, October 13, 2010

Da Hu?

"Walang pikunan, katuwaan lang! kung di kayo natutuwa, edi hindi para sa inyo toh!"

Matagal tagal ko naring pinag iisipang gawan ng blog tong section namin eh, BJ2-1N nga po pala ang pangkat na kinabibilangan ko ngayong kolehiyo, medyo bastos daw pakinggan para sa ibang utak lumot, pero ang ibig talagang sabihin ng BJ sa BJ2-1N ay "Bachelor in Journalism", noong una ay apatnapu kami sa klase, hanggang sa unti-unting mabawasan at minsa'y nadaragdagan din naman ng mga irregular, "irregular" ang tawag sa mga istudyanteng lakbay aral, no permanent section ika nga!

Nabanggit nadin naman ang mga nabawas, hayaan mong isa isahin ko sila, wag natin bigyan ng pangalan para mapaisip naman ang maliliit nyong coconut shell.

handa na ba kayo?

Ito na, sino itong classmate natin na hindi na nagparamdam matapos ang unang linggo noong unang semestre nang unang taon natin sa kolehiyo, na bagaman maagang nawala ay buhay na bauhay parin ang diwa sa kalakhan ng journalism community? katunog ng "Drum" ang pangalan niya at kasinghugis niya rin ito, meron siyang matatamis na ngiti na kinukulapulan ng puting keso na inalmusal nya pa ata noong umaga, siret na? itanong mo nalang kay Ma'am Deam!

Bitin ba kayo sa kanya, heto pang isa.

Emo naman toh mga tol! Siya ang babae sa balete drive na nagsabing hobby nya raw ang paglaslas sa lahat ng parte ng kanyang katawan, IMAGINE! ang cute cute talaga ng babaeng to with her curly hair, sabi ko nga kanina, EMO siya, kaya wala akong maalalang ka close niya nung pumapasok pa... siret na? Manuod kayo ng Villa Estrella!

Sila lang naman ang gusto kong pagtripan na biglang naglaho sa kabila nang napakasaya nating klase. biglang gusto ko tuloy idescribe ang bawat isa sa aming tropa.

Sige na nga!

Heto kami,

Merong medyo ma L, ngunit napakagaling makipag debate, oh, alam mo na ba agad? OO siya na nga, ang lalaking ka BARO ko, mabait namang tong si "teh" kung aking tawagin, makulit, maingay, may itsura at higit sa lahat malandi.. yun yon eh!

Next?

Si Kalim, ang batang 3 inches ang tangkad kapag tumayo! Bongga ang bunganga ng isang toh noh, wag kang magugulat kapag may sumigaw sa harap mo na tila sirena ng tubig kapag may krisis sa Maynilad.

Ang kabogerang babae na ginawang buhok ang spring ng notebook nung elementary pa siya, sino toh? ang babaeng kampanera, lablab teh, kitakits sa JAbi!

Meron pa, si Badong, ang lalaking kamukha ni Aljur Abrenica, astig tong maton na toh, natatakot ako kapag nabasa nya itong akda ko, at sumabog nalang bigla ang matabil kong nguso.

Usapang nguso narin lang naman, sinong makakalimot sa lalaking EMBOTIDO, na natsismis pang nanalo sa LAVAPALOOZA. astig noh, wag kang pahahalik sa kanya, kung ayaw mong tubuan ng almuranas ang buong mukha mo.. choz!!

Si ateh, si ateng mayaman, hahahaah! kabog toh, hindi ko siya lalaitin dahil baka hindi na niya ako ilibre ng fried siomai with matching RC big.

sino pa ba? ahhh, si cheek bone, ang babaeng naipon ang lahat ng buto sa mukha, tung tipong concentrated, bongga! natsismis din pala siyang NATAE sa com shop, hahaha, sinong siraulo naman kaya ang nagkalat ng balita na yun?

ang babaeng mahinahon, oh alam nyo na! kapatid niya sina miki, piki, kiki at kuki. o diba puro sila KI!

at siyempre di mawawala si AJA, WALA AKONG MASABI, TEXT KO NALANG!

OH HALA hanggang dito na nga lang muna mga kabalitaan, hanggang sa susunod na edition ng "DA HU" kitakits nalang sa Manchu Pichu" mamalenke pa ko eh! babye!